Sunday, August 5, 2012

AKING IDOLO


AKING IDOLO
Manny "Pacman" Pacquiao
Wee-ween Reyes, 5/30/2012

Si Pacman ay aking idolo
Pinakasikat na boksingero
Ating kapwa Pilipino
Hinahangaan sa buong mundo

Pinasok ang pulitiko at pagbasa ng biblia
Pag-artista at pagkanta
Lahat ay naabot na
At napakarami ng pera

Ngunit bakit sa lahat ng ito
Isip ay di makuntento
Nagawa ng magsirbisyo
Sa baya't kapwa Pilipino

Di kaya oras na
Para sarili'y bigyang halaga
Ang kalusuga'y dapat manguna
Ito'y walang katumbas na pera

Dapat alalahanin lagi
Ang magaling na Muhammad Ali
Kaylakas lakas dati
Ngayon lagi na sa katre

Aanhin ang salapi
Kung hindi na makangiti
Magtitiis ng hapdi
Sa sakit ay matatali

Marami pang boksingero
Nalibang sa panalo
Natapos sa pagkatalo
Sa huli na natuto

Bakit hindi tumigil
Hanggang kamao'y nanggigigil
Ng tanghaling bida't pader
Si Manny Pacquaio bantog na "boxer"

No comments:

Post a Comment

ANG LUPA AY REPLEKASYON NG LANGIT

ANG LUPA AY REPLEKSYON NG LANGIT www.weenweenreyes.blogspot.com. Nang ipininta ko ang bilog na mundo Saka ko namasdan angking ganda nito...